top of page
Heart Evangelista - IG.jpg

Kahulugan ng natanggap sa trabaho at nagtiyagang magbuhat ng mga bakal

  • BULGAR
  • Dec 24, 2022
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | December 24, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rodolfo ng Kawit, Cavite.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na natanggap ako sa trabahong in-apply-an ko. Kaya lang, hindi ko alam na magiging tagabuhat pala ako ng bakal at isasalansan ito nang maayos sa dapat paglagyan. Kahit mabigat ang bakal ay pinagtiyagaan ko na rin ang nasabing trabaho.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Rodolfo


Sa iyo, Rodolfo,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na natanggap ka sa trabaho ay susuwertehin at pagpapalain ka na sa buhay mo ngayon. Matatapos na ang paghihirap na dinanas mo noong nakaraang mga araw.


Samantala, ang ibig sabihin ng pinagtiyagaan mo ang trabaho mong tagabuhat ng bakal at tagasalansan sa lalagyan, at kahit mabigat at mahirap ang nasabing trabaho ay pag-asenso sa buhay dahil sa iyong sipag at tiyaga. Nangangahulugan din ito na kikita ka ng malaki sa bagong negosyo na inumpisahan mo. Kung wala ka pang asawa, ito ay nagpapahiwatig na makakatagpo ka ng mahusay na partner sa buhay. Gayundin, siya ay may magandang kalusugan, matalino at matatag sa kanyang paninindigan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page