top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Kahulugan ng natakot sa pambunot ng ngipin, gutom at kumain

BULGAR
Sep 16, 2021
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | September 16, 2021


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rey ng Camarines Norte.



Dear Maestra,


Magandang araw sa inyong lahat d’yan sa BULGAR. Gustong-gusto kong basahin ang column ninyo. Pagbili ko ng BULGAR, ‘yung column ninyo agad ang binabasa ko at gaya ng iba, gusto ko ring magpaanalisa ng panaginip sa inyo.


Napanaginipan ko na pumunta ako sa dentista para magpabunot ng ngipin. Agad naman akong pinaupo ng dentista sa dental chair, pero bigla akong tumayo nang makita ko ‘yung pambunot ng ngipin dahil natakot ako. Agad akong tumayo at nagmamadaling umalis, tapos pagdating ko sa bahay, gutom na gutom ako kaya dumiretso ako sa kusina at kumain. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Rey



Sa iyo, Rey,


Ang panaginip mo na pumunta ka sa dentista at agad ka namang pinaupo sa dental chair ay nagpapahiwatig na maiiwasan mo ang paggawa ng masama. Hindi ka basta-basta papatol kung may mag-aalok sa iyo ng mga bagay na alam mong masama at magdadala sa iyo sa kapahamakan. Halimbawa, ang mga transaksiyon na madaling pagkakitaan subalit ilegal naman.

‘Yun namang agad kang tumayo at umalis ay nangangahulugan na nalagpasan mo na ang pinakamatinding pagsubok sa buhay mo.


Samantala, sabi mo ay nakaramdam ka ng gutom pagdating mo sa bahay kaya dumiretso ka sa kusina at kumain. Ito ay nagpapahiwatig na mararating mo ang tugatog ng tagumpay dahil sa sarili mong pagsisikap. Pararangalan ka rin sa inyong lugar sa darating na mga araw. Kung sa kasalukuyan ay mayroon kang minamahal, hindi muna kayo maikakasal dahil mag-a-abroad muna siya at pagbalik niya, kayo ay magpapakasal.




Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page