top of page

Kahulugan ng nasipit ng alimasag, pinulikat ang daliri sa paa at nagluto

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 28, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Pebrero 28, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Dolly ng Binangonan.


Dear Maestra,


Suki ako ng column n’yo. Halos araw-araw ay nagpapaanalisa ako sa inyo ng panaginip dahil nagkakatotoo ang mga kahulugan nito kapag isinasangguni ko sa inyo, kaya heto na naman ako upang alamin ang kahulugan ng panaginip ko.


Napanaginipan ko na bumili ako ng alimasag, buhay na buhay ito at nasipit ako nang huhugasan na para iluto. Maya-maya ay pinulikat ang daliri ko sa paa. Gayunman, hindi ko ito pinansin kahit masakit ‘yung nasipit sa akin ng alimasag at pulikat sa daliri ng paa ko.


Tapos, niluto ko ang alimasag at sarap na sarap akong kumain dahil ang dami nitong aligi.


Ano po ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Dolly


Sa iyo, Dolly,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nasipit ka ng alimasag na binili mo ay iwasan mong maglakbay sa dagat man o sa lupa at may posibilidad na maaksidente ka.


Ang pinulikat mong daliri sa paa ay nagpapahiwatig na magbabago ang kalagayan sa kasalukuyan mong pamumuhay, kung saan gaganda na ang takbo ng buhay mo.


Samantala, ang niluto mo pa rin ang alimasag kahit nasaktan ka dahil nasipit ka nito, nasundan pa ng pinulikat ang daliri mo sa paa, at sarap na sarap kang kainin ito ay nangangahulugan na isang masayang pagtitipon, kung saan may ima-match sa iyo ang mga kaibigan mo para maging dyowa mo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page