top of page

Kahulugan ng nasa restoran at ganadong kumain ang kapwa customer

  • BULGAR
  • Jan 19, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Enero 19, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Dorothy ng Calamba.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nasa restoran ako at naghihintay ng order kong pagkain. Napansin ko ‘yung lalaki sa harapan ko ganadong-ganado kumain. Gayundin, nag-iisa lang siya at pogi pa. Pagkatapos niyang kumain ay tinikman naman niya ‘yung mansanas.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Dorothy



Sa iyo, Dorothy,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nasa restoran ka at naghihintay ng order mong pagkain ay may kaibigan kang hindi tapat sa iyo. Ibubulgar niya ang lihim mo at malalagay ka sa isang malaking eskandalo.

Ang nag-iisa ‘yung lalaki ay nagpapahiwatig ng singleness. Walang ibang tutulong sa iyo kundi ang sarili mo. Ang mga taong tinulungan mo noon ay hindi maaasahan kapag ikaw naman ang nalagay sa kagipitan. Habang ang ganadong kumain ang lalaking nasa restoran ay nangangahulugan na magkakaroon ka ng kaibigan na mayaman at napabibilang sa maharlikang angkan.


Samantala, ang mansanas na tinikman ng lalaki pagkatapos niyang kumain ay nangangahulugan ng tagumpay at pagpapala sa mga pangarap sa buhay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page