top of page
Search
  • BULGAR

Kahulugan ng nasa dagat at nakasakay sa barko

ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | July 9, 2020



Salaminin natin ang panaginip ni Abe na ipinadala sa Facebook Messenger.


Dear Professor,


Madalas akong managinip na nasa dagat ako at nakasakay sa barko. Minsan, sa isang malaki at mahabang bangka na may motor. Noong bata pa lang ako, palaging may dagat sa panaginip ko.


Ano ang ipinahihiwatig ng mga ito?


Naghihintay,

Abe


Sa iyo Abe,


Ang dagat sa panaginip ay simbolo ng pangarap o dreams in life. Kaya ang nanaginip ng dagat ay pinaniniwalaang may pangarap. Dahil dito, siya rin ay may malayong mararating sa kanyang buhay.


Sa biglang tingin, ito ay magagandang panaginip pero bilang pagtatapat sa iyo, kailangan mong lumayo sa iyong lupang sinilangan. Dahil kapag ayaw mo, nagdadalawang-isip ka o may mga bagay o taong ayaw mong iwanan, makararanas ka ng mga susunod na kapalaran:


Ang udyok ng kapalaran na ang ibig sabihin ay uudyukan ka ng iyong kapalaran na lumayo o iwanan ang iyong bayan at mga mahal sa buhay. Mahirap gawin ang ganu’n, kaya maaaring hindi ka magpaudyok sa iyong kapalaran kaya lang, ang susunod mong mararanasan ay ang tulak ng kapalaran kung saan makararanas ka ng ilang maliliit na kabiguan at ikaw ay itutulak palayo sa mahal mo sa buhay.


Kung sakaling hindi mo pa rin tutulan ang tulak ng iyong kapalaran, this time, ang mapasasaiyo ay ang batok ng kapalaran.


Maaaring alam mo na ang ibig sabihin ng “batok ng kapalaran” at ito ay hindi magandang kaganapan dahil ikaw mismo ay masasaktan dahil sa totoo lang, ang lahat ng nabatukan ay nasaktan.


Kung sakaling matigas pa rin ang ulo mo, ang huling mararanasan mo ay hulaan mo kung ano. Ano kaya ito?


Mararanasan mo ang tinatawag na “bitbit ng kapalaran” na ang ibig sabihin, sa ayaw o sa gusto mo, ikaw ay dadalhin ng iyong kapalaran sa malalayong lugar dahil doon ay makakaharap mo nang personal o mukhaan ang mga suwerte mo sa buhay.


Ito ang ibig sabihin ng dagat kapag madalas na mapanaginipan.


Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page