top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kahulugan ng nasa barko at nakakita ng imahen ng Santo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 22, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Pebrero 22, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Romeo ng Caloocan.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nakasakay ako sa barko na naglalakbay sa gitna ng karagatan.


Maganda at malinaw ang tubig sa dagat, tapos may natanaw akong mga imahen nina St. Peter at St. Paul. Sa dako pa roon ay natanaw ko naman si Satanas.


Ano ang ipinahihiwatig ng panaginip ko?

Naghihintay,

Romeo


Sa iyo, Romeo,


Maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo na naglalakbay ka sa dagat na maganda at malinaw ang tubig dahil kasaganaan at kayamanan ang ibig sabihin nito. Ang nakasakay ka sa barko ay nagpapahiwatig din ng pangingibang-bansa, kung saan mag-a-abroad ka.


Samantala, ang mga imahen nina St. Peter at St. Paul ay nagpapahiwatig ng payapa at panatag na pamumuhay.


Ang satanas naman na nakita mo sa dako pa roon ay nangangahulugan na kung hindi mo aalisin ang masama o hindi kanais-nais na mga bisyo sa katawan mo, ito ay magdudulot ng hindi magagandang bagay na magpapahamak sa iyo. Gayundin, nagpapaalala ito na ingatan mo ang iyong kalusugan dahil maaari kang maospital dahil sa malubhang sakit.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page