top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kahulugan ng nanood ng kasal at naging anghel

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 20, 2021
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | December 20, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Romeo ng Makati.


Dear Maestra,


Nasisiyahan ako sa pag-aanalisa n’yo ng mga panaginip na ipinadadala sa inyo.


Napanaginipan ko na nagsimba ako, tapos may kasalan na nagaganap sa simbahan.


Pinanood ko ‘yun hanggang matapos ang seremonya. Nang lumabas na ang mga tao, pumunta ako malapit sa altar at lumuhod ako para magdasal, tapos may anghel na lumitaw sa harap ko at kinausap ako. Maya-maya ay naging anghel na rin ako. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,


Romeo


Sa iyo, Romeo,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nanood ka ng kasalan sa simbahan ay dapat mong ayusin ang mga gawain mo. Huwag mong isawalambahala kahit maliit lang ang mga problema. ‘Yan din ang ibig ipahiwatig ng lumuhod at nagdasal ka sa harap ng altar.


‘Yun namang anghel na nagpakita sa iyo at kinausap ka ay nagpapahiwatig na maliligtas ka sa anumang panganib at kapahamakan na maaari mong sapitin, lalo na sa panahon ngayon.


Gayunman, ang sabi mo ay kinausap ka ng anghel, dapat mong sundin at ipatupad agad ang mga sinabi nya, habang ‘yung naging anghel ka rin ay nangangahulugan ng hindi inaasahang magandang balita na ikagugulat mo.



Matapat na sumasaiyo,


Maestra Estrellia De Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page