Kahulugan ng nanood ng boxing at naglaro ng bowling
- BULGAR
- Aug 26, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | August 26, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jojie ng Tondo, Manila.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na nagpunta kami ng mga kaibigan ko sa sports complex, nanood kami ro’n ng boxing at naisipan namin na magbowling.
Naglaro kami ng bowling at nang mapagod na ako, pinanood ko na lamang sila.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Jojie
Sa iyo, Jojie,
Hindi maganda ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagpunta kayo sa sports complex, at nanood kayo ng boxing, ito ay babala ng pagkalugi sa negosyo. Dapat mo ring bantayan ang iba mo pang ari-arian dahil maaari ka ring manakawan ng mahahalagang gamit d’yan sa inyo.
Samantala, ang naglaro ka ng bowling ay nangangahulugang makakaranas ka ng kahirapan sa buhay at matinding dagok ng kapalaran. Ihanda mo ang inyong sarili at huwag kang mawalan ng pag-asa.
Ang pinanood mo na lang ang mga kaibigan mo sa paglalaro ng bowling, ay senyales na masasangkot sa gulo ang mga kaibigan mo, dapat kayong mag-ingat at talasan n’yo ang iyong pakiramdam saan man kayo pupunta upang ‘di ka madamay sa anumang kaguluhang nagbabanta sa inyo sa darating na mga araw.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments