top of page

Kahulugan ng namasyal sa malayong lugar at umakyat ng puno

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 25, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | September 25, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Norberto ng Tarlac.


Dear Maestra,


Tagasubaybay ako ng column n’yo, dahil nasisiyahan ako tuwing binabasa ko ang pag-aanalisa n’yo.


Napanaginipan ko na namasyal ako sa malayong lugar, pumunta ako sa train station para kumuha ng ticket, mahaba-haba na rin ang naging paglalakbay ko.


May nadaanan kaming maraming puno, malabay at matataas. Huminto ang train na sinasakyan ko, kaya naisipan kong akyatin ang puno.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Norberto


Sa iyo, Norberto,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na pumunta ka sa malayong lugar, kung maganda at walang sagabal ang biyahe mo, magiging maayos ang paglipat mo. Pero, kung hindi maganda ang naging biyahe mo, hindi magiging maganda ang paglipat mo. Hindi ka susuwertehin sa lugar na lilipatan mo.


Ang pumunta ka sa train station para bumili ng ticket, ay nangangahulugang maninirahan ka sa lugar na mas malayo r’yan sa kasalukuyan mong tinutuluyan. Ang sumakay ka sa train, ay senyales na mag-aasawa ka na, at makakasama mo siya ng mahabang panahon.


Samantala, ang may nadaanan kayong mga puno, malabay at matataas, ay nagpapahiwatig ng pag-unlad.


Ang umakyat ka sa puno, ay tanda na hindi agad matutupad ang iyong pinapangarap. Tiyaga at pagsisikap ang kailangan mo para tuluyan kang umunlad at magtagumpay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
Kim Domingo - Instagram.jpg
bottom of page