Kahulugan ng namasyal gamit ang bike at may nakitang magandang ibon
- BULGAR
- Aug 29, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | August 29, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Bert ng Naic, Cavite.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na naisipan kong mamasyal gamit ang aking bisikleta, habang nagba-bike ako may nakita akong mga ibon sa himpapawid. Ang ganda, at kumikislap ang mga pakpak nito.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Bert
Sa iyo, Bert,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na naisipan mong mamasyal gamit ang iyong bisikleta ay depende sa iyong pagpidal.
Kung magaan lang ang pagpidal mo, madali kang nakakapagbisikleta habang namamasyal, ito ay nangangahulugang malalagpasan mo rin ang mga pagsubok sa iyong buhay.
Kung hirap na hirap kang pidalin ang bisikleta mo, ito ay babala na may sisira sa pinaka-iingatan mong reputasyon. Talasan mo ang iyong pakiramdam, maging mapagmasid ka sa iyong kapaligiran, at huwag basta-basta magtitiwala sa mga kaibigan.
Samantala, ang may nakita kang mga ibon sa himpapawid, ay senyales na mababaliktad ang sitwasyong dinaranas mo sa kasalukuyan.
Ang nakakita ka ng ibon na may magandang pakpak, ay pahiwatig na makakatanggap ka ng award, at kikilalanin ka sa maganda mong nagawa noong nagdaang mga araw.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments