top of page

Kahulugan ng namamalimos at ibinigay sa pulubi ang kinitang salapi

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 25, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | July 25, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Renato ng Olongapo.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na namamalimos ako sa kalye. Ang daming nagbigay sa akin kung kaya't ang dami kong pera. Ang kinita ko sa pamamalimos ay binigay ko rin sa mga pulubi na mas kaawa-awa kaysa sa akin.


Ako mismo ang nagbigay sa kanila ng pera galing sa kinita ko sa pagpapalimos.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Renato


Sa iyo, Renato,


Kabaligtaran ang ipinahihiwatig ng panaginip mo na namamalimos ka sa kalye. Ito ay nangangahulugan na kailanman ay hindi mo daranasing maghirap. Magiging mayaman ka at hindi ka kakapusin anuman ang delubyong dumating sa iyong buhay.


Samantala, ang ibig sabihin ng ikaw mismo ang nagbigay sa mga pulubi na alam mong mas kaawa-awa kaysa sa iyo, ay may mga kaibigan kang magtatangkang lokohin ka, subalit hindi ka dapat mangamba dahil hindi sila magtatagumpay sa kanilang binabalak.


Mabibigo sila sa masama nilang hangarin laban sa iyo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page