top of page

Kahulugan ng naligo sa dagat at nilapitan ng buwaya

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 3, 2021
  • 2 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | June 03, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Tiffany ng Dubai.


Dear Maestra,

Kumusta kayo r’yan sa Pilipinas? Sana’y nasa mabuti kayong kalagayan. Nandito ako sa Dubai at sa awa ng Diyos ay nabakunahan na laban sa COVID-19. Tagahanga ako ng column n’yo at palagi ko itong binabasa at nasisiyahan ako sa dahilang ang iba kong panaginip ay halos kapareho ng nailalathala sa column n’yo. Gusto kong malaman ang ibig sabihin ng panaginip ko kagabi. Napanaginipan ko na naisipan kong maligo sa dagat.

Sarap na sarap ako sa paglangoy, subalit maya-maya ay may dumating na buwaya at papalapit nang papalapit sa akin. Biglang may pumana sa buwaya, pero sa halip na buwaya ang tamaan, dumaplis sa akin ang palaso at buti na lang, hindi ako napuruhan. Ano ang ibig sabihin nito?


Naghihintay,

Tiffany


Sa iyo, Tiffany,

Ang ibig sabihin ng panaginip mo ay mayroon kang lihim na kaaway. Mapanganib ang kaaway na ito kaya talasan mo ang iyong pakiramdam dahil may binabalak siyang masama sa iyo.


‘Yan ang ipinahihiwatig ng buwaya sa panaginip mo at halos ganundin ang kahulugan ng arrow o palaso na daplis lamang nang tumama sa katawan mo. Kaaway din ang ibig sabihin nito. Maraming naiinggit sa kalagayan mo ngayon, kaya gusto kang pabagsakin. Ibayong pag-iingat ang dapat mong gawin. Huwag kang basta magtiwala sa mga taong nakapaligid sa iyo dahil karamihan d’yan ay nagkukunwari lamang. Kumbaga, mabait kapag kaharap pero traydor naman sa talikuran. Dagdagan mo ang pagtawag sa Diyos at palaging magdasal araw at gabi. Ang taong madasalin, kailanman ay hindi hahayaan ng Diyos na mapahamak. Bagkus, siya’y pagpapalain sa buhay na kanyang tinatahak.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

6 Comments


Lola Paulina's Vlog
Lola Paulina's Vlog
Aug 03, 2023

Dear Maestra,


Magandang araw po.

Nanaginip po ako na may anak akong lalaki na apat na taon, punong-puno po ng sipon ang ilong niya. Nakatingala po siya sa akin at parang gutom at humihingi po ng gatas.

Ano po ang ibig sabihin ng pangaginip ko.

Salamat po,

-Lola Paulina ng Pasig

Like

Lola Paulina's Vlog
Lola Paulina's Vlog
Jun 22, 2023

Dear Maestra,


magandang araw. Mahilig po akong kumain ng nilagang kamote.


Napanaginipan ko po na may bit bit akong supot ng kamote na umaapaw. Sariwa ang kamote at ang kulay ay pula at dirty white ano po ang ibig sabihin.


Salamat po,

Lola Poleng ng Pasig

Like

Lola Paulina's Vlog
Lola Paulina's Vlog
May 18, 2023

Dear Maestra,


Magandang araw po,

Nanaginip po ako na nawawala, nakiusap po ako sa tricycle driver na ang tricycle niya ay puti, na bibigyan ko siya ng 50 pesos para ihatid ako, pero nawala ang driver. Yaong po 50 pesos ay nakuha ko sa bulsa ng duster ko.


Lumapit ako sa mga nakapila na nakaupo, yaong ikalawa babae na ka edad ko ay lumapit sa akin. Sinabi ko na ihatid ako at bibigyan ko siya ng 50 pesos, may suot pala akong singsing na ginto na may brilyante sa gitna at ibibigay ko rin. Nagising na ako.


Salamat po,

Lola Poleng ng Pasig

Like

Lola Paulina's Vlog
Lola Paulina's Vlog
Feb 18, 2023

Dear Maestra,


Nanaginip ako na nagsasaing, natutulog malapit sa kalan ang anak kong si melanie kasama ang anak nya, asawa, kapatid ng asawa nyang lalake, at isang lalake. Sobrang payat ang asawa ng anak ko, na nakatingin sa kisame. Nag salita ang anak ko at ang sabi saakin ay 'Inihagis ko ang kalan'


God bless you po

Like

Lola Paulina's Vlog
Lola Paulina's Vlog
Feb 18, 2023

Dear Maestra,


Magandang araw po, ano po ang ibig sabihin ng panaginip ko na pumunta ako sa palenke na kasama ko ang dalawa kong apo, dalawa silang teenager. Iniwan ko muna sila sa isang kanto kasi marumi ang palenke, ako nalang ang pumasok sa loob. May nagtitinda ng kamatsile, bumibili ako pero ayaw ako pag bilhan. Bumalik ako sa mga apo ko pero wala sila roon. Hinahanap ko sila pero ang tinatawag ko ay pangalan ng anak ko na si 'Melanie'. Nagising ako na may luha sa mata.


God bless you po at goodevening

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page