Kahulugan ng naligaw at ‘di alam kung paano uuwi
- BULGAR
- Dec 7, 2021
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | December 07, 2021
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Norma ng Bataan.
Dear Maestra,
Ano ang kahulugan ng panaginip ko na naligaw ako, tapos hindi ko talaga alam kung nasaan ako? Gayundin, hindi ko alam ang daan pabalik sa bahay namin. Sana ay masagot n’yo ako.
Naghihintay,
Norma
Sa iyo, Norma,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo ay naguguluhan ka sa takbo ng mga pangyayari sa iyong buhay at hindi mo alam ang gagawin. Hindi mo rin alam kung paano magsisimulang muli upang ilagay sa ayos ang buhay mo. Makabubuting humingi ka ng payo sa isang kaibigan na alam mong malaki ang maitutulong sa iyo. Huwag mong sarilihin ang mga problema. Humayo ka at sumabay sa tugtog ng buhay.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia De Luna




Comments