top of page

Kahulugan ng nalalagas ang buhok at nag-withdraw ng pera

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 30, 2021
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | November 30, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Fatima ng Pangasinan.


Dear Maestra,


Napansin ko na nalalagas na ang buhok ko. Kaya naisipan kong pumunta sa parlor para remedyuhan ang nalalagas kong mga buhok, pero napansin ko na kaunti na lang ang pera ko kaya pumunta muna ako sa bangko para mag-withdraw. Ano ang kahulugan ng panaginip ko?

Naghihintay,


Fatima


Sa iyo, Fatima,


Ang ibig sabihin ng nalalagas ang buhok mo ay may matatanggap kang balita na magpapalungkot sa iyo, na para bang nawalan ka ng pag-asa sa buhay.


‘Yung pumunta ka sa bangko para mag-withdraw ay babala na may kakaharapin kang problema kung saan kailangan mo ang ibayong pag-iingat para malutas mo ito nang hindi ka daranas ng kapinsalaan.


Nagpapaalala rin ito na huwag kang sugod nang sugod sa mga bagay na gusto mong mangyari.


Mag-isip ka munang mabuti dahil hindi makukuha nang agaran ang anumang mithiin mo sa buhay. Hindi ‘yan magic na sa isang iglap ay makakamit mo na.


Tiyaga, pagsusumikap, determinasyon at kasipagan ang maghahatid sa iyo sa tagumpay.


Matapat na sumasaiyo,


Maestra Estrellia De Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page