top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Kahulugan ng nakita sa mall si alden richards

BULGAR
Jan 24, 2023
1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Enero 24, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Geraldine ng Cubao, Quezon City.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nakita ko sa mall si Alden Richards at pinagkakaguluhan siya ng mga fans. Tapos pati ako ay pinagkaguluhan din dahil kahawig ko si Maine Mendoza.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Geraldine


Sa iyo, Geraldine,


Ang panaginip mo na nakita mo si Alden Richards sa mall at pinagkakaguluhan ng kanyang mga fans ay nagpapahiwatig na mabibigo ka sa pinaplano mong proyekto dahil sa kapabayaan mo. Sobra kasi ang tiwala mo sa iyong sarili, kaya paminsan-minsan ay makinig ka rin sa payo ng mga eksperto.


Samantala, ang ibig sabihin ng pinagkaguluhan ka rin ng mga fans dahil kahawig mo si Maine Mendoza ay marami kang tapat at maaasahang kaibigan. Gayundin, handa silang damayan ka sa sandaling kailanganin mo ang kanilang tulong.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page