Kahulugan ng nakikipaglaro sa mga bata at nagdasal sa simbahan
- BULGAR
- Aug 16, 2021
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | August 16, 2021
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Barbie ng Caloocan.
Dear Maestra,
Madalas akong managinip ng mga bata na kasama naming naglalaro ng mga kaibigan ko. Malapit lang kami sa simbahan, kaya kapag natatapos na kaming maglaro, pumapasok kami sa simbahan at sama-samang nagdarasal. Ano ang ibig sabihin nito?
Naghihintay,
Barbie
Sa iyo, Barbie,
Maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo tungkol sa mga bata na kalaro ninyo ng mga kaibigan mo. Ito ay nangangahulugan na magtatagumpay ka sa negosyo at magiging masaya ang married life mo.
‘Yun namang pumasok kayo sa simbahan at sama-samang nagdasal, ito ay nagpapahiwatig na may mamanahin kang malaking halaga mula sa mahal mo sa buhay na yumao na. Ito rin ay nangangahulugan na may magandang mangyayari sa buhay mo. May magandang balita na ikagugulat mo galing sa iyong kaibigan na naglilingkod sa simbahan.
Dahil dito, sobrang tuwa ang mararamdaman mo at bilang pasasalamat sa Diyos, magdo-donate ka sa simbahang nabanggit mo sa iyong panaginip.
Hanggang dito na lang. Nawa ay nasiyahan ka sa pag-aanalisa ko sa iyong panaginip at huwag ka nawang magsawa sa pagsubaybay sa kolum ko at sa iba pa naming inilalathala sa aming pahayagan. Manatili ka nawang tagasubaybay ng BULGAR.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia del Mundo




Comments