top of page

Kahulugan ng nakatira sa hotel at nagpapagawa ng bahay

  • BULGAR
  • Jun 28, 2021
  • 2 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | June 28, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Romy ng Romblon.


Dear Maestra,


Tagahanga ako ng column n’yo kaya naisipan kong magpaanalisa rin ng aking panaginip. Binata pa ako, may magandang trabaho at may sideline na maliit na negosyo. Nagkakaedad na rin ako kaya balak ko nang magpakasal sa babaeng tinitibok ng puso ko. Napanaginipan ko kahapon na nakatira ako sa isang hotel at hindi sa bahay namin.


Kagabi naman, napanaginipan ko na nagpapagawa ako ng sarili kong bahay na matagal ko nang pinapangarap. Maganda ang model ng bahay, kaya masaya akong pinagmamasdan ang paggawa dito at minomonitor ko ang bawat kilos ng trabahador upang masunod ang design na gusto ko. Ano ang ibig sabihin nito?


Naghihintay,

Romy


Sa iyo, Romy,


Ang panaginip tungkol sa nagpapagawa ka ng sarili mong bahay nang naaayon sa model na gusto mo ay nagpapahiwatig na lahat ng ipinuhunan mo sa iyong negosyo ay babalik sa iyo. Ibig sabihin, kikita ka ng malaki. Ito rin ay nagpapahiwatig na magkakaroon ka ng salary increase sa trabaho mo at mapo-promote ka pa.


Maligayang pag-aasawa rin ang ibig sabihin nito sa isang babaeng mayaman at napabibilang sa mataas na angkan. Samakatuwid, tuloy na tuloy ang balak mong pagpapakasal sa babaeng iyong napupusuan.


Subalit ang panaginip mo na nakatira ka sa hotel at hindi sa sarili mong bahay ay nagbababala na kung hindi ka mag-iingat, hindi ka magtatagumpay sa lahat ng iyong binabalak sa darating na mga araw.


Pati sa negosyo mo ay nagbababala rin ang panaginip mo na may posibilidad na ma-bankrupt ka kung magiging sobrang tiwala sa iyong mga katransaksiyon. Iwasan mo ang ugaling sobrang tiwala sa mga kasamahan at kaibigan. Kung ano ang inaakala mong tama at makabubuti sa iyo, ‘yun ang gawin mo. Huwag kang maging kampante sa magagandang kapalarang dumarating sa dahilang ang buhay ay minsan nasa ibabaw at minsan naman ay nasa ilalim.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page