Kahulugan ng nakalutang sa alapaap at dagat
- BULGAR
- Sep 20, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | September 20, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lito ng Bataan.
Dear Maestra,
Matagal na akong sumusubaybay sa column n'yo, at gaya ng iba gusto ko ring ipaanalisa ang aking panaginip.
Napanaginipan ko na nakalutang ako sa alapaap, at napapalibutan ako ng malaking fog.
Matapos nu'n ay napunta naman ako sa dagat, nakalutang pa rin ang katawan ko ngunit sa dagat na ito habang mayroong malakas na alon sa palagid.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Lito
Sa iyo, Lito,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nakalutang ka sa alapaap ay dapat kang maging matatag sa mga desisyon mo sa buhay. Iwasan ang magpabagu-bago ng pasya.
Ang napapalibutan ka ng fog, ay nangangahulugang hindi matatag ang kalagayan mo sa kasalukuyan. Kailangan mong maging maingat sa pakikipagtransaksyon. Iwasan mong magtiwala agad sa kausap mo, dahil maaari kang mabiktima ng budul-budol gang.
Talasan mo ang iyong pakiramdam upang hindi ka mabigo.
Samantala, ang nakalutang ka sa dagat na may malakas na alon sa paligid, ito ay nagpapahiwatig na bago ka makipagsapalaran sa lugar na iyong tatahakin, lalo na kung may balak kang mangibang-bansa, mag-isip ka muna bago ka magdesisyon upang maging maayos, matiwasay at kapaki-pakinabang ang iyong paglalakbay, dahil may babala ng kapahamakan sa lugar na iyong pupuntahan kapag hindi ka naging maingat sa iyong pagpapasya.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments