Kahulugan ng nakaluhod sa harap ng altar at may nakitang anghel
- BULGAR
- Aug 21, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | August 21, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Tessie ng Caloocan.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na nakaluhod ako sa harap ng altar ng aming simbahan,at biglang may nagdatingang mga tao dahil may ikakasal pala, tumayo ako at lumipat sa bandang likod nang may natanaw akong anghel na papalapit sa akin. Kinausap niya ako, at maya-maya pa ay naging anghel na rin ako.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Tessie
Sa iyo, Tessie,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nakaluhod ka sa harap ng altar, nagdatingan ang mga tao dahil may ikakasal pala, ay dapat mong bigyang pansin ang iyong mga kilos.
Mag-ingat ka sa pagpapasya at maging mahinahon ka upang masagap mo ang magandang kapalarang malapit nang dumating sa iyo.
Ang tumayo ka, lumipat ng upuan at may natanaw na anghel, ay nangangahulugang ililigtas ka ng iyong anghel sa anumang kapahamakan.
Ang kinausap ka ng anghel, ay paalala na dapat mong sundin ang kanyang mga paalala.
Samantala, ang naging anghel ka na rin matapos ka niyang kausapin, ay sign na may dadaluhan kang pagtitipon na hindi mo sukat akalaing kumbidado ka pala at magiging masaya ka sa nasabing pagtitipon.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments