top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Kahulugan ng nakakita ng higante at nabitawan ang baso

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 26, 2023
1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Pebrero 26, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Reymond ng Zambales.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na gumising ako sa kalagitnaan ng gabi, tapos pumunta ako sa kusina upang uminom ng tubig. Napalingon ako sa bintana at biglang may lumabas na higante. Sa takot ko, nagtatalon at nataranta ako. Lumuwag ang garter ng suot kong pajama at pati ang hawak kong baso ng tubig ay nabitawan ko at nabasag ito.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Reymond


Sa iyo, Reymond,


Ang panaginip mo na gumising ka ng hatinggabi, pumunta sa kusina upang uminom ng tubig, napatingin sa bintana at may nakita kang higante ay nagpapahiwatig na may kakaharapin kang malaking pagsubok sa buhay. Maraming magiging hadlang sa mga binabalak mo.


Mangangailangan ito ng tatag ng isipan, lakas ng katawan, tiyaga, pasensya at pananalig sa iyong katalinuhan upang malagpasan mo ang mga pagsubok na ito. Sa bandang huli, magtatagumpay at kikilalanin ka.


Ang nagtatalon at nataranta ka, kaya lumuwag ang garter ng pajama mo ay nangangahulugang may kakaharapin kang gulo at mga kabiguan sa buhay.


Samantala, ang nabitawan mo ang baso at nabasag ito ay nagpapahiwatig na makakaranas ka ng pansamantalang kalungkutan at kabiguan sa buhay. May paparating na hindi inaasahang problema. Maging matatag at manalig ka sa Diyos. Gayundin, mag-ukol ka ng panalangin araw-araw upang maiwasan mo ang mga kapighatian sa buhay na maaaring dumating sa susunod na mga araw.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page