Kahulugan ng nakaaway ang bff at nakulong dahil talo sa kaso
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | December 17, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Loreto ng Naic, Cavite.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na nag-away kami ng best friend ko, tapos nasaktan ko siya at nagkasugat siya. Idinemanda niya ako ng physical injuries, tapos natalo ako at nahatulang mabilanggo.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Loreto
Sa iyo, Loreto,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nag-away kayo ng best friend mo, nasaktan mo siya at nagkasugat ay may mga hadlang upang makamit mo ang iyong mga pangarap sa buhay. Gayunman, malalagpasan mo ang mga ito at magtatagumpay ka kung magiging matiyaga at mapagpasensya ka.
Samantala, ang nabilanggo ka dahil natalo ka sa kaso ay kabaligtaran ang ipinahihiwatig. Ito ay nangangahulugan na magkakaroon ka ng kalayaang gawin ang lahat ng gusto mong gawin. Simula na ito ng kaligayahan mo sa buhay at katuparan ng iyong mga minimithing pangarap.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments