Kahulugan ng nahulog sa kanal
- BULGAR
- Dec 24, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | December 24, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Renato ng Bulacan.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na nahulog ako sa kanal. Halos buong katawan ko ay nabalutan ng putik, maski ang damit ko ay sobrang dumi rin.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Renato
Sa iyo, Renato,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nahulog ka sa kanal ay dapat mong planuhing mabuti ang susunod na hakbang na gagawin mo tungkol sa iyong negosyo.
Ang naputikan ang buo mong katawan, ito ay nagpapahiwatig na magagapi mo ang iyong mga kaaway. Hindi sila magtatagumpay anuman ang kanilang gawin laban sa iyo.
Samantala, ang damit mo ay sobrang dumi rin, ito ay may kaugnayan sa reputasyon mo. Maaaring pumangit ang impression sa iyo ng mga kapitbahay mo dahil na rin sa pagbabago ng iyong ugali, sosobra kasi ang iyong kayabangan. Hindi gaya dati na mapagpakumbaba ka.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna






Comments