top of page

Kahulugan ng nahulog sa hagdan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 5, 2021
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | December 05, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jonabel ng Batangas.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nahulog ako sa hagdan. Ano ang ibig sabihin nito?

Naghihintay,


Jonabel


Sa iyo, Jonabel,


Ang ibig sabihin ng nahulog ka sa hagdan ay bigo ka sa buhay dahil hindi mo makamit ang mga pangarap mo kahit ano’ng gawin mong pagsisikap. Nawawalan ka ng kontrol sa mga gusto mong gawin at tuloy-tuloy ka kahit hindi mo pa alam ang kaliwa at kanan ng pinapasukan mong sitwasyon. Isa pa, masyado kang nag-aapura. Marami kang pagkakamali na dapat ituwid. Huwag kang sugod nang sugod sa isang proyekto.


Gayundin, huwag sunggab nang sunggab sa kung ano ang in-o-offer sa iyo, sa halip, pag-aralan mo muna ito at pag-isipang mabuti bago pasukin.


‘Ika nga, slowly but surely, ‘yan ang dapat mong ipatupad sa iyong buhay upang hindi ka makaranas ng matinding kabiguan.


Matapat na sumasaiyo,


Maestra Estrellia De Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page