top of page
Search
  • BULGAR

Kahulugan ng nahukay na gold

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | August 12, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Larry ng Tarlac.

Dear Maestra,


Napanaginipan ko na may nahukay na gold sa likod ng aming bahay. Pinikyuran agad ito ng kapatid ko na siyang nakahukay ng gold.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Larry

Sa iyo, Larry,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na may nahukay na gold sa likod ng inyong bahay, ay babala na ‘wag kang basta-basta makikipagsapalaran sa negosyong ‘di pa gaanong alam.


Kung may dyowa ka na, maging maingat ka sa pagiging malapit mo sa iyong mga kaibigang babae, dahil magiging dahilan ito ng pagseselos at paghihinala ng dyowa mo.


Samantala, ang kinuhaan agad ng picture ng kapatid mo ang gold na nahukay niya, ay nagpapahiwatig na may kaibigan siyang lihim na naghahangad ng masama laban sa kanya.


Magtatangka siyang manggulo at hadlangan ang mga bagay na alam niyang magiging dahilan upang magtagumpay ang iyong kapatid.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page