top of page

Kahulugan ng nagwawalis sa bakuran, nakakita ng multo at mga alahas

  • BULGAR
  • Oct 30, 2022
  • 2 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | October 30, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lady F. ng Bulacan.


Dear Maestra,


Paalis na ang asawa ko para magtrabaho sa ibang bansa bilang seaman.


Napanaginipan niya na nagwawalis siya sa bakuran ng bahay nila. May puno ru’n at winalisan niya rin, tapos ‘yung puno na may maliit na butas na may cabinet ay winawalis niya rin.


Pagkatapos niyang magwalis, sinabi niya na parang may multo at kinilabutan siya habang nagwawalis, tapos lumabas si Tatang Patty niya, nagulat siya at unti-unting nalaglag ang mga silver na alahas, sumunod ay ginto, kaya winalis niya pa rin at nahulog ang mga kayamanan na alahas.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip niya?

Naghihintay,

Lady F.



Sa iyo, Lady F.,


Ang ibig sabihin ng nagwawalis siya sa bakuran nila ay kailangan niyang punan ang mga pagkukulang niya noong mga nagdaang araw. Kung malago ang mga dahon ng puno, ito ay nagpapahiwatig ng kasaganaan at pag-unlad sa hinaharap. ‘Yung multo ay nagpapaalala na ingatan niya ang relasyon niya sa mga mahal niya sa buhay at kaibigan.

Samantala, ‘yung biglang lumabas si Tatang Patty niya ay nagpapahiwatig na masasangkot siya sa gulo, pero tutulungan siya ng malapit niyang mga kamag-anak o kaibigan.


Ang mga alahas ay nangangahulugan na binibilang na niya ang magagandang bagay na darating sa buhay n’yo sa iba’t ibang pamamaraan. Ang mga anak n’yo ay magiging malusog at matatalino. Ipinahihiwatig din ng panaginip niya na yayaman siya at liligaya sa buhay sa pinili niyang trabaho bilang seaman.


Ang sabi mo ay winalis pa rin niya ang nahulog na mga alahas, ibig sabihin, patuloy niyang pupunan o babawi siya sa mga pagkukulang niya sa mga nakaraang araw hanggang mailagay niya sa ayos ang lahat at tuluyan na siyang yumaman at umunlad sa buhay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page