top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Kahulugan ng nagwalis malapit sa tulay at nakakita ng bangka

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 15, 2023
1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Pebrero 15, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jerwin ng Masbate.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na napag-utusan ako ng kapitan ng aming barangay na magwalis sa tulay na malapit sa lugar namin. May tubig na umaagos sa ilalim ng tulay, tapos may natanaw din akong maliit na bangka ru’n.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Jerwin


Sa iyo, Jerwin,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagwawalis ka sa tulay na malapit sa lugar n’yo ay kailangan mong linawin ang isang kamaliang nagawa mo noon upang linisin ang iyong pangalan.


Gayunman, hindi pa huli ang lahat para linisin mo ang iyong reputasyon.


Ang umaagos na tubig na natanaw mo sa ilalim ng tulay ay nagpapahiwatig na matatagalan pa bago mo makamit ang inaasam-asam mong tagumpay.


Samantala, ang maliit na bangka na nakita mo ay nangangahulugan na masasangkot ka sa isang gulo, ngunit malulusutan mo agad ito dahil hindi ito gaanong makakaapekto sa iyo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page