top of page

Kahulugan ng nagsiga at nasunog ang bahay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 9, 2021
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | April 09, 2021


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Generosa ng Bacolod.


Dear Maestra,

Napanaginipan kong giniginaw ako, kaya naisip kong magsiga sa likod ng bahay namin para mainitan ang katawan ko, subalit biglang lumaki ang apoy at nasunog ang bahay namin.

Ano ang ibig sabihin nito?

Naghihintay,

Generosa


Sa iyo, Generosa,

Maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo na nagsiga ka sa likod-bahay para mainitan ang iyong katawan. Ibig sabihin, makatatagpo ka ng magandang pagkakakitaan na magiging simula upang makaahon ka sa kahirapan, subalit hindi ito ganu’n kadali. Bagkus, maraming sakit ng ulo ang mararanasan mo dahil kaakibat nito ang iba’t ibang uri ng problema. Gayunman, malalampasan mo ito at ikaw ay tuluyan nang uunlad sa buhay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrella de Lunaa

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page