top of page

Kahulugan ng nagsalamin, at iba’t ibang mukha ang nakita

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 15, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | March 15, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jonna ng Makati City.


Dear Maestra,


Tagahanga ako ng inyong kolum at gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko.


Napanaginipan ko na pumunta ako sa kuwarto para tingnan ang mukha ko sa salamin. Pero hindi lang mukha ko ang aking nakita kundi iba’t ibang klase ng mukha ng mga taong hindi ko kilala.


Ano ang ibig ipahiwatig ng panaginip ko?

Naghihintay,

Jonna


Sa iyo, Jonna,


Ang ibig ipahiwatig ng panaginip mo na pumunta ka sa kuwarto para magsalamin ay hindi mo na maililihim ang sikretong matagal mo nang tinatago. Mabubulgar na ito at malalaman na ng lahat ng mga taong nakapaligid sa iyo.


Samantala, ang nagsalamin ka, pero hindi lang mukha mo ang iyong nakita kundi marami pang iba’t ibang mukha na hindi mo naman kilala ay nagpapahiwatig na papalitan mo na ang iyong trabaho. Maghahanap ka ng ibang trabaho na mas maganda at magbibigay sa iyo ng mas malaking suweldo. Gayundin, iba’t ibang klase ng tao ang iyong makikilala sa bago mong papasukan. Marami kang magiging kaibigan mula sa iba’t ibang antas ng pamumuhay.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


1 Comment


jecelmae jecel mae elechicon
jecelmae jecel mae elechicon
Aug 22, 2024

dear maestra


nanaginip po ako na na nanalamin ako sa salamin at nagagandahan ako sa sirili ko at naka ngiti pa ako nung nakita ko sa salamin anh sarili ko

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page