top of page

Kahulugan ng nagpaputok ng baril at ipinakulong ng kapitbahay na pulis

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 31, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | March 31, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jerwin ng Bataan.


Dear Maestra,


Shoutout sa inyo, isa ako sa mga tagasubaybay ng column n’yo. Madalas akong magpaanalisa sa inyo dahil araw-araw ako nananaginip. Bawat panaginip ko ay nabibigyan n’yo ng tamang kahulugan, kaya heto ako upang magpaanalisa muli.


Napanaginipan ko na kinuha ko ang aking baril at pinaputok nang sunud-sunod sa ere, at narinig ito ng kapitbahay kong pulis. Dinala niya ako sa presinto dahil bawal ang ginawa ko.


Kinulong ako ng isang araw at pinalaya kinabukasan.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Jerwin


Sa iyo, Jerwin,


Ang ibig sabihin ng panaginip na kinuha mo ang iyong baril at pinaputok sa ere nang sunud-sunod ay magiging matatag ang kasalukuyan mong kalagayan. Uunlad pa ang negosyo mo pati na rin ang iba mo pang pinagkakakitaan.


Nagpapahiwatig din ito na magkakaanak kayo ng misis mo ng mabait at matalinong bata na magbibigay ng karangalan sa pamilya niyo.


Samantala, ang narinig ng kapitbahay mong pulis sa ginawa mong pagpapaputok ng baril at dinala ka sa presinto at kinulong, ngunit pinalaya rin kinabukasan ay kabaligtaran ang ibig sabihin. Ito ay nangangahulugang magiging malaya ka sa lahat ng bagay. Mae-enjoy mo ang iyong buhay nang walang nakikialam. Ito rin ay nagpapahiwatig ng kaligayahan, kaunlaran at payapang pamumuhay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page