Kahulugan ng nagpa-advice sa titser at hiningan ng payo ng bff
- BULGAR
- Nov 4, 2022
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | November 4, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Gloria ng Masbate.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na lumapit ako sa teacher ko para humingi ng payo tungkol sa mga magulang ko. Napaka-strikto kasi nila sa akin at sobrang higpit. Pinayuhan naman ako ng teacher ko at naliwanagan ang isip ko at hindi na ako nagtampo sa mga magulang ko.
Kinabukasan, ‘yung best friend ko naman ang humingi ng payo sa akin tungkol sa mga magulang niya na sobrang strikto rin pala, tapos ‘yung ipinayo sa akin ng teacher ko ang ipinayo ko sa best friend ko.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Gloria
Sa iyo, Gloria,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na humingi ka ng payo sa teacher mo at pinayuhan ka naman niya ay makakaranas ka ng sagabal sa kasalukuyan mong pinaplano sa buhay. Subalit malalagpasan mo ito dahil na rin sa tulong ng iyong tapat na kaibigan na palaging handang dumamay sa iyo sa sandali ng kagipitan.
Samantala, ang ibig sabihin ng ikaw mismo ang nagbigay ng payo sa best friend mo at nagkataon na pareho kayo ng problema tungkol sa parents niya ay rerespetuhin at pararangalan ka sa lugar n’yo dahil may nagawa kang kahanga-hangang bagay para sa ikauunlad ng lugar n’yo. Ituturing ka nilang bayani at ipagmamalaki ka ng mga kabarangay mo, saanman sila pumunta.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments