top of page

Kahulugan ng naglaro, tumahol at kumakawag na buntot ng aso

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 7, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | June 07, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Tony ng Taguig Global City.

Dear Maestra,

Napanaginipan ko na naglalaro ako ng dice, nang bigla lumapit sa akin ang alagang aso ko. Tahol ito nang tahol at pati ang kanyang buntot ay kumakawag-kawag rin na para ba itong tuwang-tuwa.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Tony

Sa iyo, Tony,

Ang ibig sabihin ng panaginip mo tungkol sa aso na tumatahol, ay malalampasan mo ang malaking sagabal na humahadlang sa iyong mga pinaplano. Kung kumakawag-kawag ang buntot nito na para bang tuwang-tuwa, ito ay nangangahulugang magiging maligaya ka sa darating na mga araw. Matatapos na ang mga kalungkutang nararanasan mo sa kasalukuyan.


Samantala, tungkol naman sa dice na nilalaro mo, ito ay senyales na malaking pagbabago ang magaganap sa iyong buhay. Matutuwa ka sa magiging resulta ng pagsusumikap mo.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page