Kahulugan ng naglaro ng solitaire at hinulaan ang sarili
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Enero 26, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jerwin ng Masbate.
Dear Maestra,
Isa akong biyudo. Madalas ay nalulungkot ako, nag-iisa na lang kasi ako sa buhay dahil pumanaw na ang kabiyak ng puso ko.
Napanaginipan ko na bumili ako ng playing cards, tapos halos araw-araw ay nagso-solitaire ako. Nang magsawa ako sa pagso-solitaire, naisipan kong magbasa ng libro para matutunan ang panghuhula sa pamamagitan ng mga baraha, tapos hinulaan ko ang aking sarili.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Jerwin
Sa iyo, Jerwin,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na bumili ka ng playing cards, halos araw-araw ay naglalaro ka ng solitaire ay mananatili kang biyudo hanggang sa wakas ng buhay mo. Hindi ka na makakapag-asawa pang muli.
Samantala, ang hinulaan mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng mga baraha ay may posibilidad na magkatotoo ang hula mo. Dahil d’yan, tandaan mong mabuti ang lumabas sa baraha tungkol sa iyong kapalaran dahil ‘yun mismo ang magaganap sa susunod na araw.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments