Kahulugan ng naglaro at hinulaan ang sarili gamit ang baraha
- BULGAR
- May 12, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | May 12, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Perlita ng Aklan.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na mag-isa akong naglalaro ng baraha, tapos sinubukan kong hulaan ang sarili ko sa pamamagitan ng baraha.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Perlita
Sa iyo, Perlita,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na mag-isa kang naglaro ng baraha ay magiging biyuda ka hanggang sa wakas ng iyong buhay.
Samantala, ang sinubukan mong hulaan ang iyong sarili sa pamamagitan ng baraha ay nangangahulugan na tandaan mong mabuti ang hula mo dahil may posibilidad na magkatotoo ito.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments