top of page
Search
  • BULGAR

Kahulugan ng nagkatigdas at pinilit uminom ng gamot

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | November 29, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Thelma ng Naic, Cavite.


Dear Maestra,


Nawa’y nasa maayos kayong kalagayan at maganda ang pakiramdam sa sandaling mabasa n’yo ang panaginip ko.


Napanaginipan ko na may tigdas ako, tapos uminom ako ng gamot para mawala ang tigdas ko. Muntik ko nang iluwa ‘yung gamot dahil ang pait nito, pero pinilit kong lunukin para tuluyan nang mawala ang tigdas ko.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?



Naghihintay,

Thelma


Sa iyo, Thelma,


Kabaligtaran ang ibig sabihin ng panaginip mo na may tigdas ka dahil ito ay nangangahulugan na maganda ang kalusugan mo sa kasalukuyan, kung saan walang masakit sa iyong katawan.


Gayundin, ito ay nagpapahiwatig na magiging maganda ang takbo ng negosyo mo. Magugulat ka rin sa mga susunod na araw dahil may hindi inaasahang suwerte na darating sa buhay mo.


Samantala, ang uminom ka ng gamot para mawala ang tigdas mo, tapos muntik mo nang iluwa dahil mapait, ngunit pinilit mo pa ring inumin ay nangangahulugan na daranas ka ng kaunting sagabal sa mga plano mo sa buhay.


Gayunman, malalagpasan mo ang nasabing sagabal na humahadlang sa katuparan ng iyong mga plano sa buhay dahil magtatagumpay ka sa iyong minimithi.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page