top of page

Kahulugan ng nagkagulo ang fans ni Alden Richards at natapakan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 11, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Pebrero 11, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lourdes ng Albay.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na dumating sa lugar namin si Alden Richards, tapos nagkagulo ang mga fans niya at kasama na ako ru’n. Sa dami ng tao na gustong kumamay sa kanya, nagtatakbuhan sila at natapakan ang paa ko. Ang sakit-sakit ng daliri ko sa paa na natapakan ng isang fan.


Nang tingnan ko ‘yung nakatapak sa akin, best friend ko pala, pero nagalit ako at pinagsabihan ko siya.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Lourdes


Sa iyo, Lourdes,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na dumating sa lugar n’yo si Alden Richards at pinagkaguluhan siya ng fans ay may posibilidad na maudlot ang pinakamimithi mong gawin. Hindi matutuloy ang pinaplano mo dahil panghihinaan ka ng loob. Gayundin, maraming negative criticisms kang matatanggap.


Ang ibig namang sabihin ng masakit ang daliri mo sa paa dahil natapakan ito ay may paparating na hindi magandang pangyayari sa buhay mo na magpapagulo sa iyong isip.


Dahil dito, hindi ka mapapakali at palaging makakaramdam ng pag-aalala.


Samantala, tungkol naman sa bestfriend mo ang nakatapak sa iyong paa at nagalit ka, ito ay nangangahulugan na mali ang iniisip mo tungkol sa bestfriend mo na akala mo ay hindi mapagkakatiwalaan at hindi maaasahan sa sandali ng kagipitan. Sa totoo lang, siya pa ang dapat mong pagkatiwalaan dahil siya ay tapat at handang dumamay sa iyo sa oras ng kagipitan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page