Kahulugan ng nagbigay ng advice sa kabataan
- BULGAR
- Oct 24, 2021
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | October 24, 2021
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Delia ng Parañaque.
Dear Maestra,
Magandang araw sa inyo r’yan. Gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko.
Napanaginipan ko na guest speaker ako sa isang pagtitipon ng mga kabataan, tapos binigyan ko sila ng advice upang gumanda ang lipunang kanilang ginagalawan.
Pagkatapos kong mag-speech, panay ang papuri sa akin ng mga tao dahil sa ganda ng mga sinabi ko. Ano ang ibig sabihin nito?
Naghihintay,
Delia
Sa iyo, Delia,
Napakaganda ng ibig sabihin ng panaginip mo na nagbibigay ka ng advice sa kabataan.
Ito ay nagpapahiwatig na ikaw ay nakatakdang parangalan at bigyan ng pagkilala sa lugar ninyo. Gayundin, lahat ay magpupugay sa iyo at magkakamit ka pa ng salaping gantimpala dahil sa nagawa mong kabutihan sa inyong lugar.
‘Yun namang panay ang papuri sa iyo ng mga tao dahil sa ganda ng speech mo, ito ay nangangahulugan na lalo pang dadami ang mga kaibigan mo na tapat, mapagkakatiwalaan at maaasahan mo sa sandaling kailanganin mo ang kanilang tulong.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments