top of page

Kahulugan ng nagbake at napaso

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 15, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | July 15, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Sonia ng Cavite.


Dear Maestra,


Shout out sa inyo r'yan sa Bulgar. Magandang araw. Isa ako sa tagasubaybay n'yo.


Suki rin ako ng column n'yo. Araw-araw kasi ay nananaginip ako. Nagkakatotoo ang mga interpretasyon n'yo. Napanaginipan ko na nagbake ako ng bread sa oven. Noong kukunin ko na ay napaso ako.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Sonia


Sa iyo, Sonia,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagbake ka ng bread sa oven ay malalampasan mo ang mga hindi magandang pangyayari sa buhay mo na pati mahal mo sa buhay ay maaaring madamay.


Samantala, ang napaso ka sa oven ng kukunin mo na ang bread na binake mo ay nangangahulugan ng tagumpay at pagpapala sa iyong gawain sa kasalukuyan. Mas marami ang naging paso mo at talagang napakasakit nito, sunud-sunod na tagumpay ang iyong makakamit.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page