Kahulugan ng nag-swimming at uminom ng tsaa
- BULGAR
- Apr 15, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | April 15, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lita ng Pasig City.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na nagsi-swimming ako sa pool sa exclusive subdivision na tinitirahan ko. Pagkatapos kong mag-swimming, uminom ako ng mainit na tsaa.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Lita
Sa iyo, Lita,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nag-swimming ka sa exclusive subdivision kung saan ka nakatira ay depende kung nakalubog o nakaangat ang ulo mo habang nagsu-swimming ka. Kung nakalubog ang ulo mo, ‘yan ay nagpapahiwatig na may paparating na gulo sa buhay mo, kaya ipinapayo ko na talasan mo ang iyong pakiramdam upang hindi ka madamay sa gulo. Kung nakaangat naman ang ulo mo o hindi ito nakalubog sa tubig, ito ay nagpapahiwatig na magtatagumpay ka sa mga pangarap mo sa buhay.
Samantala, ang uminom ka ng mainit na tsaa pagkatapos mag-swimming ay nangangahulugan na makakaranas ka ng mga pangyayari na masyado kang mag-aalala at madalas na mababagabag ang iyong isipan. Subalit kung ibayong pag-iingat ang gagawin mo, kumbaga, magiging mapagmatyag ka, matalas ang pakiramdam at malawak ang pang-unawa, maiiwasan mo ang hindi magagandang pangyayari na darating sa iyong buhay sa susunod na mga araw.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments