top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Kahulugan ng nag-dinner kasama ang anak at nasamid

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 30, 2023
1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | April 30, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Josephine ng Masbate.


Dear Maestra,


Magandang araw sa inyong lahat.


Napanaginipan ko na sabay kaming kumain ng dinner ng anak ko, tapos naglagay ako ng suka sa table dahil alam kong ito ang paboritong sawsawan ng anak ko. Tinikman ko muna ito kung maasim talaga, at nasamid ako dahil sobrang asim.


Gusto kong uminom ng tubig, pero hindi agad ako nakainom dahil walang tubig sa refrigerator.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Josephine


Sa iyo, Josephine,


Ang panaginip mo na sabay kayong kumain ng dinner ng anak mo ay babala na may daranas ka ng kapighatian sa buhay. Ang naglagay ka ng suka sa table dahil ‘yun ang paboritong sawsawan ng anak mo ay nangangahulugang makakarinig ka ng masasakit na salita mula sa anak mo.


Magkakaroon kayo ng pagtatalo tungkol sa mga problemang kinakaharap niyo. Kaya makakabuti kung ‘wag kang magbitaw ng mabibigat na salita na magiging sanhi upang tuluyang sumama ang loob ng anak mo at lumayas sa tahanan niyo.


Samantala, ang tinikman mo muna ang suka kung talagang maasim, nasamid ka dahil sa sobrang asim nito, at gusto mong uminom ng tubig pero ‘di ka agad nakainom ay nangangahulugang matatagpuan mo ang iyong sarili mo na nag-iisa, walang sinumang gustong tumulong sa sandali ng iyong pangangailangan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page