ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | January 15, 2024
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Myrla ng Los Baños, Laguna.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na nag-check in kami sa hotel ng dyowa ko. Ang room number namin ay 888. Masayang-masaya ang bf ko dahil first time naming nag-check in sa isang hotel.Kinabukasan, nag-beach naman kami. Nag-sunbathing kami habang enjoy na enjoy naming pinagmamasdan ang mga magagandang ulap sa kalangitan. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Myrla
Sa iyo, Myrla,
Ang napanaginipan mo na nag-check in kayo ng dyowa mo sa isang hotel, ito ay paalala ng mga pagsubok sa buhay. Hindi kayo laging liligaya dahil makakaranas din kayo ng kalungkutan paminsan-minsan, pero sasagana naman kayo sa materyal na bagay. Hindi kayo kakapusin sa pera. Ang 888 ay nangangahulugan din na susuwertehin kayo sa negosyo na may kinalaman sa agricultural products.Samantala, ang masayang-masaya ang dyowa mo dahil first time kayo nag-check in sa hotel ay nagpapahiwatig na tapat siya sa iyo. Ikaw lang ang iibigin niya habambuhay.Ang magandang kalangitan at mga ulap ay senyales ng kapayapaan, kapanatagan ng isipan at magandang kalusugan.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna
Comments