top of page
FRANKLY - ANAK NI PATRICK, LALONG NA-BASH AT NA-BULLY-IG _onlypatrickgarcia.jpg

Kahulugan ng nag-camping at umulan

BULGAR
Aug 18, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | August 18, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Frederick ng Nueva Ecija.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nag-camping kami ng barkada ko at nasiyahan ako. Kaya lang, biglang umulan, kaya bigla rin akong na-badtrip.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Frederick



Sa iyo, Frederick,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nag-camping kayo ng barkada mo at nasiyahan ka, kabaligtaran ang ipinahihiwatig nito dahil mabibigo ka sa pag-ibig.


Samantala, ‘yung biglang umulan kaya na-badtrip ka, kaligayahan naman sa buhay may asawa ang ipinahihiwatig nito. Matatagpuan mo ang babaeng nakalaan sa iyo, pakakasalan mo siya at liligaya kayo habambuhay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page