Kahulugan ng nag-aayos ng beddings at kinagat ng bubuyog
- BULGAR
- Feb 18, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Pebrero 18, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Letty ng Tarlac.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na nag-aayos ako ng beddings, tapos may nakita akong bahay ng bubuyog sa gilid ng kuwarto ko at tinanggal ko ito. Tapos biglang may lumabas na bubuyog at kinagat ako.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Letty
Sa iyo, Letty,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nag-aayos ka ng beddings ay magpapalit ka ng pinapasukan. Hahanap ka ng mas maayos at matatag na kumpanya na magbibigay sa iyo ng mas mataas na suweldo. Ang bahay naman ng bubuyog na nakita mo sa iyong kuwarto ay nangangahulugan ng matatag na trabaho na magbibigay sa iyo ng karangalan at kaligayahan.
Samantala, ang kinagat ka ng bubuyog ay nagpapahiwatig na sa umpisa ay hindi magiging madali ang trabahong papasukan mo, subalit sa bandang huli, magbibigay ito sa iyo ng kaligayahan at matatag na pamumuhay.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments