top of page

Kahulugan ng nabitawan at nabasag ang salamin sa mata

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 12, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Pebrero 12, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Flor ng Cotabato.


Dear Maestra,


Hindi ako nagsasalamin dahil malinaw pa ang mga mata ko, pero napanaginipan ko na bumili ako ng salamin sa mata at nabitawan ko, kaya nalaglag ito habang isinusuot ko.


Lumagpak sa sahig ang salamin at nabasag ito.


Ano ang ihig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Flor


Sa iyo, Flor,


Ang panaginip mo na bumili ka ng salamin ay babala na maghihiwalay kayo ng dyowa mo dahil sa hindi pagkakaunawaan sa isang bagay na madalas n’yo ring pagtalunan.


Ang nabitawan mo ang salamin habang isinusuot, lumagpak sa sahig at nabasag ay nagpapahiwatig na makakaranas ka ng pagkabigo at kawalan ng pag-asa. Manghihina ang loob mo sa dahilang akala mo ay wala nang lunas sa problemang kinakaharap mo sa kasalukuyan.


Dahil dito, alalahanin mo na ang lahat ng problema ay may kalutasan. Walang permanente sa mundong ito dahil ang lahat ay dadaan at lilipas.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page