Kahulugan ng na-terminate, malagong dahon at umupo sa ilalim ng puno
- BULGAR
- May 21, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | May 21, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Donny ng Parañaque City.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na-terminate ako sa trabaho. Habang malungkot akong umalis sa opisina, may nadaanan akong malaking puno na may malalagong dahon, umupo ako sa ilalim ng puno at namahinga hanggang sa inabot ako ng gabi at saka pa lang ako naglakad pauwi.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Donny
Sa iyo, Donny,
Ang ibig sabhin ng panaginip mo na na-terminate ka sa trabaho ay mawawalan ka ng ari-arian, at mawawalan ka rin ng tiwala sa mga taong nakapaligid sa iyo. Ang malungkot kang umalis sa opisina, may nadaanan kang malaking puno at namahinga ka sa ilalim nito ay senyales na makakamit mo rin ang pag-unlad kung hindi ka mawawalan ng pag-asa at patuloy na magsisikap sa buhay. Ang may malalagong dahon ng puno ay pahiwatig ng kaligayahan sa piling ng iyong pamilya.
Samantala, ang inabot ka ng gabi at saka ka naglakad pauwi ay nangangahulugang hindi mo agad matutupad ang iyong pangarap. May mga hadlang, pero malalagpasan mo rin ito hanggang sa tuluyan kang yumaman.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna



Comments