top of page

Kahulugan ng na-promote, naging head, at ginawang servant

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 31, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | May 31, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Raymond ng Bulacan

Dear Maestra,


Napanaginipan ko na-promote ako sa pinapasukan kong school. Naging head ako, pero ‘yung mas mataas sa akin ng position ay panay ang utos sa akin. Ginagawa akong nitong servant niya. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Raymond

Sa iyo, Raymond,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na-promote ka at naging head ka sa paaralang pinagtatrabahuan mo ay pagbabago sa kasalukuyan mong kalagayan. Magkakaroon ka ng bagong trabaho at kaibigan.


Samantala, ang ginawa kang servant ng mas nakatataas sa iyo ay nangangahulugang may makikilala kang influential people. Sila ay nabibilang sa mataas na angkan, mayaman at tinitingala sa lipunan. Dahil d’yan may posibilidad na yumaman ka rin kung susundan mo ang kanilang yapak at magiging magandang halimbawa sila sa iyo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page