top of page

Kahulugan ng na-lock, naiwan ang susi, at nagsinungaling

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 3, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | June 3, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Janice ng Lucban, Quezon.

Dear Maestra,


Napanaginipan ko na-lock ako sa kuwarto, at naiwan ko ang susi sa aming kusina. Buti na lang ay nabuksan ko ito. Paglabas ko ay nakita ko ang mother ko na naghihintay sa akin, at bakit umano ang tagal ko sa loob, kaysa na sabihin kong na-lock ako, iba ang sinabi kong dahilan at nagsinungaling ako.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Janice

Sa iyo, Janice,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na-lock ka sa kuwarto mo dahil naiwan mo ang susi, ay may hadlang sa pinaplano mong gawin. Dadaan ka muna sa hirap bago mo ito maisakatuparan. Ang nabuksan mo ito ay nangangahulugang, malalagpasan mo rin ang problemang kakaharapin mo, at makakamit mo ang tagumpay sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.


Samantala, ang nakita mo ang iyong ina na naghihintay sa labas, ay senyales na ‘di inaasahang suwerte ang darating sa iyo. Ang nagsinungaling ka sa iyong nanay ay nagpapahiwatig na magiging maganda ang buhay mo. Yayaman ka at makakatikim ka na rin sa wakas ng kaginhawahan sa buhay.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page