Kahulugan ng multo at bangungot
- BULGAR
- Apr 23, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | April 23, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Cora ng Davao.
Dear Maestra,
Magandang araw sa inyong lahat. Masyado na akong nababagabag sa panaginip ko, kaya naisipan kong sumangguni sa inyo.
Napanaginipan ko na may multo sa kuwarto ko, tapos may sinabi siya sa akin, ngunit lihim lang ito. Walang dapat makaalam. Nanginginig at natatakot ako, hanggang sa tuluyan na akong binangungot. Mabuti na lang, ay nagising ako.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Cora
Sa iyo, Cora,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na may multo sa kuwarto mo ay mag-ingat ka sa pakikitungo sa kapwa, lalo na sa iyong mga kasambahay. May posibilidad na may makaaway ka sa kanila. Ang may sinabi sa iyo ang multo at lihim lang ‘yun ay nagpapahiwatig na dapat mong pag-ukulan ng atensyon ang anumang sinabi niya.
Gayunman, gawin at isakatuparan mo ito.
Samantala, ang binangungot ka ay nangangahulugang nasa ilalim ka ng impluwensya ng ibang tao, kung saan ginagawa kang sunud-sunuran. Dapat mo itong iwasan, bagkus, magkaroon ka ng sariling paninindigan at tumayo ka sa sarili mong mga paa. Kung hindi mo ito magagawa, malabo kang magtagumpay sa buhay, at mabibigo ka sa mga gusto mong marating.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments