top of page

Kahulugan ng mga numerong 158, 9, 4 at 8

  • BULGAR
  • May 13, 2022
  • 2 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | May 13, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Thelma ng Taguig City.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na lumipat kami ng bahay. Ang numero ng bagong bahay namin ay 158 at Phase 9, Blk 4, Lot 8 sa isang subdivision sa Pasig. Naninibago ako sa bahay namin dahil parang hindi ako masaya, gayung malinis at maganda naman ang kapaligiran.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Thelma



Sa iyo, Thelma,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo ay pagbabago ng mga plano sa buhay. Ang numerong 158 na tinutukoy mo sa iyong panaginip ay nangangahulugang mahusay kang makipag-usap sa mga tao. Lahat ng klase ng tao ay kaya mong pakibagayan. Subalit ang number 9 naman ay intriga at away ang hatid sa buhay mo, ibig sabihin, kahit gaano kahusay kang makibagay, lapitin ka pa rin ng intriga na kung papatulan mo, maaari itong mauwi sa away.


Samantala, ang 4 naman ay nangangahulugan na ‘pag sinuwerte ka nang sunod-sunod, ‘pag minalas ay ganundin. Kaya ang dapat mong gawin ay palagi kang magsimba at gumawa ng mga bagay na kalugod-lugod sa Diyos upang maiwasan ang sunod-sunod na kamalasan.


Ang Lot 8 naman ay nagpapahiwatig na marami kang pagsubok sa buhay na daranasin sa lugar na nilipatan mo, subalit lahat ng ‘yun ay iyong mapagwawagian.


Ang malungkot ka kahit maganda at malinis ang subdivision na nilipatan n’yo ay nangangahulugan na magiging masaya ka sa umpisa, ngunit kalaunan ay disaster ang aabutin ng buhay mo kung hindi mo matututunang harapin ang bagong buhay na daranasin mo sa iyong nilipatan. Sa dahilang kapag ang mga numerong 9, 4, 8 ay nagsama sa bahay na tinitirhan mo, disaster ang kahihinatnan ng iyong buhay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page