Kahulugan ng may nakasalubong na pulubi at pinagbintangan sa pagkabulag
- BULGAR
- Nov 28, 2022
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | November 28, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jeremy ng Tarlac.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na may nakasalubong akong pulubi, tapos bulag ang isang mata niya. Pero ang ipinagtataka ko, ako ang sinisisi niya sa kanyang pagkabulag. Ako raw ang may kasalanan kung bakit siya nabulag, pero hindi ko naman siya kilala. Kaya ang tinanong ko ang aking sarili kung bakit ako ang sinisisi niya?
Ano ang kahulugan ng panaginip ko?
Naghihintay,
Jeremy
Sa iyo, Jeremy,
Ang panaginip mo na may nakasalubong kang pulubi at bulag ay nagpapahiwatig na isa sa mga kaibigan mo ang lalapit sa iyo para humingi ng tulong dahil sa kanyang problema.
Samantala, ang sinisisi ka ng naturang pulubi dahil ikaw ang dahilan ng pagkabulag niya ay nangangahulugan naman na matatalo mo ang iyong kaaway. Hindi siya magtatagumpay sa masama niyang binabalak laban sa iyo at sa bandang huli, makikita mo kung paano siya nabigo sa kanyang mga pinapangarap sa buhay.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments