top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Kahulugan ng may lumabas na anino ng demonyo

BULGAR
Jan 12, 2023
1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Enero 12, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lorry Ann ng Pampanga.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na may anino akong nakita sa kusina namin. Nang titigan ko itong mabuti, biglang lumabas ang anino ng demonyo na may sungay at nakakatakot. Bigla akong nagising at takot na takot ako dahil muntik na akong bangungutin.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Lorry Ann


Sa iyo, Lorry Ann,


Mabuti na lang, hindi ka binangungot sa panaginip mo na sadya namang nakakatakot. Ang ibig sabihin ng anino ay pakikipag-away sa iyong kaibigan dahil kung sino pa ang itinuturing mong kaibigan ay makakaaway mo sa darating na mga araw.


Samantala, ang demonyo naman ay nangangahulugan ng mga gulo o kaguluhan sa iyong buhay. Masasangkot ka sa gulo o magkakagulo sa pamilya mo dahil sa pangit na ugaling ipapakita sa iyo ng mga kasambahay mo. Gayundin, maiinis ka at mawawalan ng pasensya. Dahil d’yan, pagtitimpi, pang-unawa at lawak ng isipan ang iyong kailangan upang maiwasan mo ang mga kaguluhan sa iyong tahanan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page